Mas pinaiigting ngayon ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang kampanya para sa No Registration, No Travel Policy, para sigurahing ligtas ang pagmamaneho sa mga kakalsadahan.
Sa ginanap na pagpapalawig ng impormasyon sa lungsod ng San Carlos nitong ika-23 ng enero, ibinihagi nila sa mga 52 Punong Barangay ang importansya ng mga polisiya ukol sa mga batas na umiiral sa lansangan. Gayundin, ang mga gampanin ng mga pamahalaang pambarangay sa pagpapababa ng mga posibleng road accidents na mangyari sa kanilang mga bisinidad.
Nilinaw din ng LTO ang mga partikular na regulasyong kailangang sundin, pati na rin sa mga sasakyang puwedeng irehistro, kung hanggang kailan ito, at sa posibleng maging multa kapag hindi nakapagparehistro ng sasakyan.
Samantala, ipinaalala rin ng LTO ang gampanin ng mga barangay officials sa pagbibigay impormasyon sa kanilang nasasakupan ukol sa pagpapaigting no registration, no travel policy ng kanilang tanggapan. |πππ’π£ππ¬π¨