𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗩𝗜𝗭𝗖𝗔𝗬𝗔 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗖𝗢

Iginiit ni Nueva Vizcaya Governor Jose Gambito na walang karapatan ang probinsya ng Pangasinan sa Barangay Malico na magpatupad ng anomang proyekto.

Ayon sa gobernador, noon pa man ang Barangay Malico ay sakop ng Sta. Fe Nueva Vizcaya base na rin sa National Mapping and Resource Information Authority o NAMRIA.

Nagbabala ang gobernador na huwag ituloy ang mga nakahanay na proyektong balak itayo sa barangay Malico dahil hindi ito pahihintulutan ng Commission on Audit o COA..

Matatandaan na naglaan ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ng 200 milyon na special fund para sa pagpopondo ng mga proyekto sa Barangay Malico.

Sinabi pa ni Governor Gambito, na isa sakanilang ebidensya na ang Malico ay sa Sta. Fe Nueva Vizcaya dahil ang Nueva Vizcaya Electric Cooperative o NUVELCO ang nagsusuplay ng kuryente sa Malico.

Ayon naman kay Pangasinan Governor Ramon Guico III, may mga dokumentong nagpapatunay na ang Barangay Malico ay sakop ng Pangasinan kung kaya’t nararapat lamang na matanggap ng mga residente dito ang mga programa ng pamahalaang panlalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments