CAUAYAN CITY- Nasungkit ng probinsya ng Nueva Vizcaya ang ikalawang pwesto sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority sa resulta ng Provincial Product Accounts mula Nobyembre hanggang Disyembre noong nakaraang taon kung saan sinuri ang antas ng Gross Domestic Product ng mga probinsya.
Saklaw nito ang labing anim na rehiyon maliban sa National Capital Region na binubuo ng walompu’t dalawang probinsya at labing pitong Highly Urbanized Cities.
Nakapagtala ang Nueva Vizcaya ng 13.1% habang nanguna naman ang probinsya ng Aklan na nakakuha ng 22.5%.
Facebook Comments