Nasa kostudiya na ngayon ng PNP ang number 1 most wanted person sa bayan ng Tayug at pang-walo sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Ang akusado ay nakilalang si Anthony Clarion residente ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan.
Inaresto ang akusado pasado alas nwebe ng gabi sa Barangay Barangobong sa nasabing bayan.
Nahaharap ito sa 9 counts ng rape na walang piyansa at isa pang kaso na may ₱180,000 na piyansa.
Hawak na ng PNP Tayug ang akusado at hinihintay ang utos ng korte para sa disposisyon dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments