𝗢𝗕𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢, 𝗧𝗔𝗠𝗣𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗘𝗫𝗛𝗜𝗕𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗝𝗔𝗣𝗔𝗡

Itinampok sa isang prestihiyosong exhibit ang mga obra ng isang Dagupeño sa Japan.

Napabilang ang mga likhang obra ni Dr. Ann Theresa Bolos, sa tatlong araw na BIJUTSU Exhbition sa Osaka Japan.

Ang naturang exhibit ay paggunita sa Filipino fine art sa nasabing bansa.

Tatlong obra nito ang bumida sa exhibit na kinabibilangan ng “Echoes of Self”, “Sampaguita” at “Sakura” na idinisplay sa Toyono Gallery Vitokuras.

Ayon kay Dr. Bolos, masaya ito na nairepresenta ang lungsod at lalawigan ng Pangasinan sa larangan ng sining at nawa’y maging inspirasyon sa iba pang mga artists na sumubok sa creative industries.

Ang iba pang obra nito ay itatampok sa Cambodia ngayong linggo at sa Taiwan naman ay sa susunod na taon |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments