Inalerto na ng awtoridad ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na aantabay sa muling inaasahang paghagupit ni Bagyong Marce sa bansa, kasabay nito ang paghimok sa publiko sa ibayong paghahanda sa posibleng epekto nito.
Sa inilabas na pahayag ng Office of the Civil Defense Philippines, hinimok ngayon pa lang ang mga residente ng rehiyon na maghanda sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa mga malalapit sa katubigan at kabundukan. Pinaalalahanan din ang kahalagahan ng pagmomonitor sa lagay ng panahon upang malaman kung saang mga bahagi sa bansa ang maapektuhan.
Inabisuhan ang mga Pangasinense sa inaasahang mga pulo-pulong pag-ulan o pagkulog at pagkidlat sa lalawigan sanhi ng extension ng Bagyong Marce. Samantala, matatandaang nasa higit isang daang libong indibidwal ang naitalang apektado sa lalawigan ng Pangasinan dulot ng nagdaang Bagyong Kristine. |πππ’π£ππ¬π¨