CAUAYAN CITY- Puspusan ang ginawang paghahanda ng Office of the Civil Defense Region 02 upang matugunan ang epekto ng Bagyong Enteng sa Lambak ng Cagayan.
Kabilang sa mga paghahanda na isingawa ng ahensya ay ang pagtukoy sa mga lugar sa Cagayan, Batanes, at Isabela na maaring tamaan ng pagbaha o pagguho ng lupa.
Ayon sa OCD R02, nakabantay ang Mines and Geoscience Bureau sa mga lugar na maaring magkaroon ng inside ng pagguho ng lupa.
Kaugnay nito, maghigpit rin na ipinatupad ang liquor ban sa lalawigan ng Isabela at ipinagbawal din ang paglalayag ng anumang uri ng sasakyang pandagat.
Maghigpit naman ang ginagawang pagsusuri ng OCD R02 katuwang ang iba pang ahensya upang matukoy ang pinsala na iniwan ng bagyong Enteng.
Facebook Comments