π—’π—‘π—Ÿπ—œπ—‘π—˜ 𝗦𝗖𝗔𝗠, π—‘π—”π—‘π—šπ—¨π—‘π—” 𝗦𝗔 π—‘π—”π—œπ—§π—”π—Ÿπ—” π—‘π—š π—£π—¨π—Ÿπ—œπ—¦π—¬π—” 𝗑𝗔 π—–π—¬π—•π—˜π—₯ 𝗖π—₯π—œπ— π—˜ π—–π—”π—¦π—˜π—¦ 𝗦𝗔 π—₯π—˜π—šπ—œπ—’π—‘ 𝟭

Nanguna ang online scam sa pinakamataas na naitalang cybercrime incidents sa Region I sa unang semester ng 2024 ayon sa Police Regional Office 1.

Ayon sa PRO1, limampung kaso ng online scam ang naitala sa 1st semester ng taon. Mas mababa ito kung ikukumpara noong nakaraang taon na nasa limamput siyam na kaso.

Pumapangalawa ang online libel na nasa dalawamput dalawang kaso.

Ayon sa PRO1, dapat na maging maalam ang publiko ukol sa mga klase ng online scam na talamak ngayon dahil isa ang digital technology sa nagiging rason upang makapang-biktima ang mga scammer.

Dagdag ng ahensya, kinakailangang suriin ang mga nakikita online at huwag basta-basta magtitiwala upang hindi mabiktima.

Siniguro ng pulisya sa rehiyon na patuloy na tutukan ang mga naitatalang kaso upang mahuli ang mga nasa likod ng online scam. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments