𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗔

Nagsimula na ang operasyon ng Super Health Center sa Brgy. Bolosan, Dagupan City.

Dahil dito, Maaari nang magtungo ang mga residente ng eastern barangays sa naturang health facility.

Ang mga residente ng Bolosan, Salisay, Mangin, Tambac, Tebeng at Mamalingling ang unang sineserbisyuhan ng libreng serbisyong pangkalusugan.

Inaasahan ang iba pang mga kailangang kagamitan tulad ng ambulansya, site development, pasahod sa mga kakailanganing karagdagang nurse at doctor at iba kung tuluyang nang maaprubahan ang pondong inilaan para rito.

Samantala, mayroon ng labing-isang Super Health Centers sa buong Region I kung saan ang siyam dito ay matatagpuan sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments