𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗣𝗔𝗥𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗥’𝗦 𝗔𝗦𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗜𝗡𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗪𝗔’𝗧 𝗞𝗔𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗖𝗘-𝗧𝗢-𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡

Hindi sang-ayon ang hanay ng National Parents Teachers Association sa mga kaliwat kanang face-to-face classes suspension na ipinatupad ngayong mainit na panahon.

Hindi umano kasi maiiwasan na maapektuhan ang kalidad ng edukasyon para sa mga estudyante.

Sa naging panayam ng iFM News Dagupan kay NPTA Executive Vice President Lito Senieto, sana ay pag-isipang mabuti ng mga LGU at mga opisyales ng mga paaralan bago magdeklara ng suspensyon.

Ayon sa opisyal pwede naman umanong mag sakripisyo na lang ng kaunti ang mga guro at mga estudyante dahil malapit naman na ang pagtatapos ng school year.

Nagpanukala naman ito na sana ay ibalik ang pagtatanim ng mga puno sa mga paaralan upang mas maging presko ang mga eskwelahan para sa mga estudyante at mga guro. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments