Isinusulong ng City Agriculture Office ng San Carlos City ang Organic Agriculture Program sa mga lokal na magsasaka upang mas maiangat ang kalidad ng pagsasaka sa kanilang lugar.
Ayon sa tanggapan, mabibigyan ng isang sako ng inorganic fertilizer ang bawat magsasaka na maka-iipon ng 10 hanggang 20 sakong patabang organiko.
Bahagi ito ng kanilang pagsulong sa naturang programa para sa soil conditioning o pagpapaganda sa kalidad ng lupang sinasaka ng mga magsasaka.
Kaya naman hinihikayat nila ang lahat ng magsasaka na gumamit ng organikong pataba sa kanilang sakahan para sa Magandang produksyon o ani.
Samantala, may mga programa rin ang tanggapan ng pagdating sa modernisasyon ng sektor ng agrikultura tulad ng production subsidy program na pamamahagi ng libreng certified seeds at pataba sa mga local farmers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨