𝗣𝗔𝗔π—₯π—”π—Ÿπ—”π—‘ 𝗦𝗔 π—§π—¨π— π—¨π—”π—œπ—‘π—œ, π—œπ——π—œπ—‘π—˜π—žπ—Ÿπ—”π—₯π—”π—‘π—š 𝗗π—₯π—¨π—š-𝗙π—₯π—˜π—˜ π—¦π—–π—›π—’π—’π—Ÿ

CAUAYAN CITY- Ginanap kahapon ika-labing dalawa ng Abril ang Ceremonial Unveiling ng Drug-Free School ng Advance Montessori Education Center of Isabela, Inc. (AMECI) sa bayan ng Tumauini.

Ang naturang paaralan ay pangatlo sa rehiyon at sa bayan ng Tumauini na maideklara bilang drug-free school kung saan nakamit nito ang sertipikasyon mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Naisakaturapang ito sa tulong at pangunguna ni Mayor Venus Bautista kasama ang Municipal Anti-Drug Advocacy Campaign (MADAC) at Philippine National Police (PNP) Tumauini sa pamamagitan ng Proyektong Aralang Bawal at Kontra sa Droga (ABKD).


Facebook Comments