Isinasagawa ngayon ng Office of the Provincial Veterinary ang pagbabakuna sa mga hayop lalo na’t isa rin ang mga hayop na lubhang naapektuhan ng pabago-bagong panahon.
Dahil dito, puspusan ang isinasagawang pagtuturok ng gamot pamproteksyon sa mga hayop na malalaki gaya ng baka, kambing, kalabaw, karnero at iba pa.
Sa ngayon sa lalawigan ng Pangasinan, napaghandaan na ng OPVET ang magiging problema sa mga hayop na maaaring maging epekto ng panahon.
Ayon sa OPVET, dahil sa paiba-ibang panahon maaaring maging sanhi ng pagka-stress ng mga hayop.
Payo ng OPVET na sa pagpatak ng 12:00 ng tanghali hanggang 1:00 ng hapon ay ilipat muna sa lilim ang mga ito dahil posibleng makaranas ng heat stroke.
Painumin ang mga hayop na nakabilad sa araw ng malinis na tubig upang iwas sakit.
Sa datos ng OPVET, pumalo na sa 3, 312 na baka ang nabakunahan ng proteksyon, kalabaw 77 at 4, 059 naman na mga kambing ang nabigyan na ng bakuna.
Puspusan din ang isinasagawang pagmonitor ng OPVET sa mga animal quarantine checkpoint sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments