Monday, February 16, 2026

𝗣𝗔𝗕𝗨𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗥𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗠𝗘𝗥 𝗕𝗘𝗔𝗨𝗧𝗬 𝗤𝗨𝗘𝗘𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗘𝗟, 𝗡𝗔𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗣𝗔!


Cauayan City – Tumaas pa ang pabuya na ibibigay sa kung sino man ang makakapagturo o makakapagbigay ng impormasyon sa suspek na nasa likod ng pamamaril sa isang Former Beauty Queen sa bayan ng San Manuel, Isabela.

Matatandaang binaril mismo sa harap ng kanilang tahanan ang biktimang si Lulette Jane “Jing” Dela Cruz, dating Miss Earth Philippines 2013 runner-up, at isang guro noong ika-13 ng Pebrero.

Sa inilabas na pahayag ng Local Government Unit ng San Manuel, unang inihayag ni San Manuel Mayor Dondon Dy na handa itong magbigay ng P50,000 na pabuya sa sino mang makakapagbigay ng impormasyon na maaaring maging daan sa pagkakaaresto sa hindi pa nakikilalang suspek.

Maliban kay Mayor Dondon Dy, nadagdagan pa ng tig-P50,000 mula kina Congressman Mike Dy at Board Member King Dy ang nabanggit na pabuya, dahilan upang maging P150,000 na ang kabuuang pabuya.

Mariin ding nananawagan si Congressman Mike Dy sa mga awtoridad na gawin ang lahat ng kanilang makakaya sa imbestigasyon upang mapanagot ang nasa likod ng karumal-dumal na pagpatay.

Samantala, bumuo na ang Isabela Police Provincial Office ng Special Investigation Task Force na siyang tututok sa malalimang imbestigasyon sa kaso.

Kasunod nito, ipinag-utos na rin ni PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr. ang full scale manhunt upang matunton at matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek sa likod ng krimen.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments