𝗣𝗔𝗚𝗔𝗦𝗔, 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗟𝗜𝗡𝗔𝗪 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗨𝗟𝗔𝗡

Bagamat madalas na nararanasan sa lalawigan ng Pangasinan ang mga pag-uulan, nilinaw ng PAGASA na hindi pa ito ang wet season o panahon ng tag-ulan.

Ayon kay PAGASA Weather specialist Joey Figuracion, kinakailangang maging tuloy tuloy ang pag-uulan at hindi dapat mahinto ng magkakasunod na tatlong araw upang maabot ang criteria sa pagdeklara ng rainy season.

Sa inilabas naman ng pagtataya ng panahon, asahan ang kalat kalat na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at pagkulog sa Pangasinan dulot ng Frontal System/Southwesterly Windflow.

Samantala, patuloy na minomonitor ng PAGASA pagtransition ng bansa mula sa umiiral na El Niño Phenomenon sa inaasahang La Niña. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments