𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧 𝗦𝗣𝗢𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦

Pangkalahatang naging maayos hanggang sa huling araw ng Semana Santa ang pagbabantay at monitoring sa mga tourist spots sa Alaminos City.

Nanatiling maayos ang koordinasyon, monitoring maging response operation ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa ibat ibang destinasyong dinayo ng mga lokal na turista tulad ng Hundred Islands National Park, Bolo 1 & 2, Lucap Wharf at iba pa.

Katuwang sa naging response team na ito ng LGU ay ang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) Response Cluster katuwang ang iba’t-ibang ahensya at departamento ng lungsod.

Nagbigay naman ng pasasalamat ang LGU sa mga lokal na turista at iba pang bumisita sa kanilang mga pook pasyalan nito Semana Santa at asahan pa umanong mas palalakasin pa nito ang kanilang sektor ng turismo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments