𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗦𝗘𝗧𝗧𝗟𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧

Nagpapatuloy ang clearing ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa mga informal settlers sa lungsod, partikular sa bahagi ng Brgy. Bonuan bunsod ng pagdami umano ng mga biglaang tayong imprastraktura.

Ayon sa alkalde, kinausap at pinaalalahanan na muli ang mga ito at binigyang diin na hindi na maaaring muling magtayo ng bahay sa lupang pagmamay-ari ng gobyerno.

Nakaambang itayo sa nasabing bahagi ang pavillion na inaasahang makatutulong upang mas mapalakas pa ang turismo ng Dagupan City.

Samantala, ang skateboard park project ay isa din sa layong ipatayo sa Bonuan na isa sa maaring dayuhin ng mga turista. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments