Depensa ng SINAG, hindi sila sang-ayon sa naging desisyon ng NEDA dahil maapektuhan nito ang mga local farmers. Dagdag pa nila, walang maayos na konsultasyon na nangyari sa mga industriya na nagsusuplay ng bigas at wala ring nabanggit sa kanila na magsasagawa ng pagbaba sa taripa ng bigas.
Ayon sa NEDA, sinigurado nila ang kanilang desisyon ay dumaan sa konsultasyon ng Tariff Commission. Layunin ng NEDA na dapat may tiyak na access sa masustansyang pagkain ang lahat, partikular sa bigas.
Samantala naman ang desisyon na ito ay nagdala ng hating reaksyon mula sa mga rice retailers ng lungsod ng Dagupan. May mga sumasang-ayon sa pagpataw ng mababang taripa sa imported rice upang masiyahan ang mga mamimili sa presyo ng bigas habang may iilan naman na hindi pabor sa ginawang desisyon ng NEDA dahil importante ang pagpataw ng mataas na tax sa imported na bigas upang makinabang ang gobyerno pati na rin ang mga magsasakang nag-aani ng mga ito.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na karagdagang pahayag ang NEDA ukol sa naging pahayag ng grupong SINAG. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨