Asahan sa darating na buwan ng Marso hanggang sa kasunod na buwan ang pagbaba pa sa presyuhan ng bigas sa mga pamilihan.
Bunsod ito nang nagpapatuloy na pag-aani ng mga magsasaka dahil simula buwan ng Marso ang peak ng harvest season ng palay.
Sa kasalukuyan, nararanasan sa ilang pamilihan sa Pangasinan ang bahagyang pagbaba ng hanggang dalawang piso sa kada kilo partikular sa locally milled na bigas.
Kung dati nasa ₱54 at mahigit ang pinakamababa, ngayon kadalasang bentang pinakamababa ay nasa P49 pesos.
Mangilan-ngilan din namang mga rice retailers ang nagbebenta ng ₱48 per kilo bagamat nananatili sa P50 hanggang ₱52 ang tinatangkilik ng mga consumers.
Samantala, posibleng bumaba pa ng hanggang ₱45 ang kada kilo ng bigas sa merkado kung tuluyang maging maganda ang kahihinatnan ng produksyon nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨