𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗚𝗦𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗜𝗡𝗘𝗦𝗘 𝗥𝗢𝗖𝗞𝗘𝗧 𝗗𝗘𝗕𝗥𝗜𝗦, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘

Napansin ng isang residenteng mula sa Barangay Tarrag, Pagudpud sa lalawigan ng Ilocos Norte ang liwanag na mula sa kalangitan bandang alas otso ng gabi nito lamang June 29.

Ito ay pinaniniwalaan na pagbagsak ng rocket debris na mula iniulat na papaliparang Long March 7A mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Wenchang, Hainan, China.

Sa magkahiwalay na pagkakataon, nakuhanan din ng parehong larawan na pinaniniwalaang falling debris sa Batanes kung saan bumagsak umano ang naturang debris sa Dequey Island na parte ng Sabtang, Batanes.

Samantala, matatandaan na nauna nang naglabas ng abiso ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ukol posibleng pagtama ng debris nito partikular na sa mga residente sa Ilocos Norte at Cagayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments