𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗗𝗗𝗜𝗡𝗚, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣

Matagal na umanong nagaganap ang pagbebenta ng National Food Authority (NFA)ng bigas nang walang bidding, ayon sa unang araw ng imbestigasyon ng House Committee on Agriculture and Food.

Matatandaan na kasunod nito ang pagpataw ng anim na buwang suspensyon ng Office of the Ombudsman sa nasa 139 NFA officials.

Kaugnay nito, ilan pang anomalya ang natuklasan na nilabag ng mga opisyales tulad ng pagsagawa ng hakbang na walang approval ng tanggapan ng Kagawaran ng Agrikultura at iba pa.

Noong 2021 hanggang 2023, umabot umano sa hanggang 8 million bags ang ibinenta.

Naniniwala rin ang grupong Bantay Bigas na matagal nang nagaganap ang iregularidad sa bentahan sa mga private traders.

Samantala, patuloy ang paggulong ng malalimang imbestigasyon maging ang inilabas na mga resolusyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ukol dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments