Bubusisiing mabuti umano ng mga Comelec officials ng Comelec Pangasinan ang mga pirmang sinubmit sa kanila ng mga Pangasinenseng botante kung saan sumasang-ayon sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.
Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay Comelec Pangasinan Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas, aminado itong magiging madugo ang pagbeberipika sa mga naturang pirma na ipinasa sa kanilang tanggapan ngunit nakahanda umano ang lahat ng Comelec officials mula sa mga data at processing para sa masigurong totoo ang mga pirma.
Ngayon, humihingi ng pondo ang Comelec para sa patuloy na pag-usad sa proseso ukol sa usapin na ito dahil nangangailangan talaga umano ito ng budget para sa ilang exercises na isasagawa.
Sa ngayon, naka-focus rin ang Comelec sa pagbubukas muli ng tanggapan sa voter’s registration para sa magaganap ng 2025 Elections. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨