
Cauayan City – Tinututukan ngayon ng Local Government Unit of Cauayan City kasama ang Cauayan City Agriculture Office ang pagbuo ng asosasyon ng mga magsasakang walang sariling lupain sa lungsod ng Cauayan.
Sa panayam ng IFM News Team kay Ricardo Alonzo, City Agriculturist ng Cauayan City Agriculture Office, sinabi nito na ang mga farm workers ang kadalasang napapabayaan at walang benepisyong nakukuha mula sa pamahalaan dahil wala silang mga sariling lupa.
Sinabi nito na mayroon na silang nabuong mga asosasyon mula sa Brgy. Labinab, Buena Suerte, at Pinoma. Target umano nilang bumuo ng asosasyon bawat barangay, maliban na lang Poblacion Areas na walang bukirin.
Ayon kay Alonzo, maraming benepisyo ang maaring makuha ng mga farm workers oras na mabuo ang asosasyon. Una rito, irerehistro sila sa Security and Exchange Commission at ipapa-accredit sa Department of Agriculture at PhilMec para sa posibleng pagtanggap ng mga makinarya.
Kung sakali man na makatanggap ng makinarya, magkakaroon sila ng karagdagang kita at livelihood project, maliban pa sa kanilang kita sa pagta-trabaho sa bukid.
Inaanyayahan naman ng Alonzo ang lahat ng mga Farm Workers sa bawat barangay na sumali sa bubuoing asosasyon para makasali sa mga programa ng pamahalaan para sa kanila.
Ito ang pahayag ni Cauayan City Agriculturist Ricardo Alonzo.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










