Binabantayan ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) Dagupan ang maaring pagdagsa ng mga lumilipat na botante sa lungsod.
Sa datos na ibinahagi ni Atty. Michael Frank Sarmiento, COMELEC Dagupan Election Officer, nasa 202 na indibidwal na ang nag apply ng transfer of voter registration.
Ilan sa mga dahilan ng mga nagtransfer ay dahil sa nakapangasawa sa lungsod. Maliban sa transfer of voter registration tinututukan din ng ahensya ang di umano’y ‘hakot system’ o ang paghahakot ng mga politiko sa mga residente na walang kakayahan upang makapagparehistro kapalit ang boto.
Ayon sa COMELEC, Isa sa mga hinahanap na requirement upang makapagparehistro ay ang Certificate of Residency na nagpapatunay na sila ay residente ng partikular na lungsod o munisipalidad.
Sa ngayon, halos doble na ang bilang ng mga humahabol upang makapagparehistro mula sa 40-50 ay pumapalo na ito sa 100 kada araw. Matatandaan na inilipat na ng ahensya ang sa Isang mall ang ang voter registration na magtatagal hanggang ika-30 ng Setyembre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨