𝗣𝗔𝗚𝗗𝗔𝗠𝗜 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗘𝗥𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗔𝗥𝗘𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗖𝗢, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗬𝗔𝗦𝗔𝗧𝗜𝗡

Nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon ang Department of Environment and Natural Resources sa biglaang pagdami ng commercial areas sa Barangay Malico na kasalukuyang pinag aagawan ng provincial government ng Pangasinan at Nueva Vizcaya.

Ayon kay DENR Region 1 Director Atty. Crizaldy Barcelo, magsasagawa ito ng pagpupulong kasama ang DENR Region 2, Land Management Bureau at ilan pang ahensya ng gobyerno sa susunod na linggo upang pag-usapan ang naturang isyu maging ang boundary dispute.

Aalamin ng tanggapan kung ang mga commercial areas na ito ay mayroong hawak na titulo. Aniya, wala umanong in-issue ang tanggapan ng DENR R1 na titulo sa mga lupa sa nasabing lugar at kung mayroon man ay maaaring ancestral land domain na inissue ng National Commission on Indigenous Peoples o NCIP.

Samantala, magsasawa din ang ahensya ng assessment upang makita kung ligtas ang pagtatayo ng mga commercial areas na ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments