Isang welcome development para sa transport group na Manibela ang imbestigasyon ng Committee on Transportation ng House of Representatives kaugnay sa umano’y kurapsiyon sa implementasyon ng PUV Modernization.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan Kay Manibela Chairman Mar Valbuena, inimbitahan sila sa nasabing pagdinig at agad naman nila itong pinaunlakan.
Sa katunayan aniya ay nais din nilang malaman kung ako na nga ba ang update sa mga inilabas na pahayag noon sa pagdinig noong Oktubre lalo na sa ilang mga pinangalanan na nasa Likod aniya ng kurapsiyon subalit sa likod nito ay nakabalik pa yung Ilan.
Nais din, aniya, nilang malaman kung bakit hanggang ngayon ay napakataas ng presyo ng modernized Jeepney at umaasa silang malalaman na ngayon kung sino nga ba ang nag manufacturer ng nasabing mga modernized jeep mula sa China.
Kahapon, January 10 uumpisahan ang nasabing imbestigasyon ng Committee on Transportation ng House of Representatives. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨