Maari umanong magamit sa pagpapakalat ng fake news ang artificial intelligence o AI sa darating na 2025 midterm elections.
Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT) Pangasinan, magagamit umano ang AI sa paggawa ng pekeng video na manipulado ang impormasyon ukol sa tatakbong kandidato at iba pang impormasyon sa eleksyon..
Ayon sa COMELEC, masusing pag-aaral ang kinakailangan upang matiyak na responsable at hindi maabuso ang paggamit ng artificial intelligence sa pangangampanya sa midterm elections sa 2025.
Matatandaan na itinutulak ni COMELEC Chairman George Garcia na ipagbawal ang paggamit nito sa pangangampanya dahil maaaring magdulot ng misinterpretasyon sa halalan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments