Mas pinaigting pa ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang mga isinasagawang hakbangin kaugnay sa pagtugon sa maaaring pagtama ng “The Big One” o ang malakas na lindol sa bansa.
Alinsunod dito, muling nagsagawa ng emergency preparedness meeting katuwang ang City Disaster Risk Reduction Management Center, Public Alert and Response Monitoring Center (PARMC), Dagupan PNP at ilan pang concerned departments.
Saklaw ng nasabing aksyon ang pagkakaroon ng Information Disseminations na may kaugnayan sa mga usaping nakapaloob sa mga kalamidad partikular ang lindol na ibababa naman sa mga barangay, maging sa mga eskwelahan at iba pang local groups upang makapagbigay kaalaman ukol dito.
Matatandaan na nito lamang April 3 ay naramdaman ang 7.2 Magnitude Earthquake sa bansang Taiwan na nagdulot ng pagkakatala ng damages at casualties.
Samantala, kabilang sa paghahanda ng lungsod ang pagtukoy sa mga maaaring maging Privately Hosted Evacuation Centers (PHEC) na magagamit sakaling maranasan ang tsunami. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨