𝗣𝗔𝗚𝗜𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧𝗢 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗜𝗦𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗢𝗥𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗗𝗔𝗗, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢

Nanawagan ngayon ang Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga Pangasinense na maging alerto sa oras ng kalamidad.

Ayon sa PDRRMO, mainam na maging maalam ang mga nasa komunidad ukol sa mga lokasyon ng mga pinakamalapit na evacuation centers sa kanilang lugar maging ang pinakamadaling ruta papunta sa mga ito.

Sa pamamagitan nito umano, mas mapapadali ang paglikas sa mga evacuation centers at agarang makaiiwas sa maaaring pagbaha o di kaya’y iba pang klase ng kalamidad.

Dapat rin umano na maging updated ukol sa ulat panahon at mga emergency announcements mula sa mga mapagkakatiwalaang sources upang sa gayon ay maiwasan na mabiktima ng mga false information o fake news. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments