𝗣𝗔𝗚𝗜𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗢𝗣 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧𝗥𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗟𝗟𝗬𝗜𝗡𝗚, 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔

Ikinababahala ngayon ng grupong Alliance of Concerned Teachers Partylist o ACT Partylist ang pangunguna ng Pilipinas sa talaan ng mga bully na bansa.

Sa inilabas na pag-aaral ng Programme for International Student Assessment o PISA, isa ang bansa sa nangunguna sa mga bully dahil sa kakulangan ng Guidance Counselors sa mga paaralan.

Sa ekslusibong panayam ng iFM Dagupan kay ACT Partylist Representative France Castro, ito umano ay indikasyon ng kung anong klaseng environment mayroon ang isang bata.

Sinabi rin nito na ang pagkakaroon ng Master’s degree ang isa sa dahilan ng kakulangan ng guidance counselor sa bansa

Dahil dito, nanawagan si Castro na gumawa ng hakbang ng pamahalaan dahil isa ang paaralan sa humuhubog sa pagkatao ng isang indibidwal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments