𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗥𝗢𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗡𝗨𝗖𝗟𝗘𝗔𝗥 𝗣𝗢𝗪𝗘𝗥 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗧, 𝗧𝗨𝗚𝗢𝗡 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗜𝗦𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘

Mariing isinusulong hanggang sa kasalukuyan ng namumunong kongresista sa ikalawang distrito ng Pangasinan ang muling pagtataguyod ng nuclear power plant sa bansa.

Ayon kay Cong. Mark Cojuangco na siya ring Chairman on Special Committee on Nuclear Energy ay sagot ang nuclear energy upang masolusyunan ang krisis sa kuryente.

Kung ikukumpara umano sa kuryenteng nanggagaling sa wind at solar na umaasa sa lagay ng panahon, taglay ng nuclear energy ang mas maaasahang suplay ng kuryente dahil sa pagpoproseso ng mga enerhiya.

Sa bayan ng Labrador dito sa Pangasinan nauna nang ipinasa ng Sangguniang Bayan ang Resolution No. 048-2022 na iniimbitahan ang national government o anumang nuclear power entity na magtayo ng planta sa kanilang bayan.

Tiwala naman ang kongresista na kung tuluyang maitatag muli ang power plant sa bansa ay makakamit ang mas mura, malinis at ligtas na kuryente para sa mga Pilipino. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments