Nagpaliwanag ang Central Pangasinan Electric Cooperative o CENPELCO kaugnay sa kadalasang reklamo ng ilang mga konsumers ngayon.
Ito ay ang patay sindi na nagaganap lalo na kapag mainit ang panahon at nawawala bigla ang suplay ng kuryente at kalaunan ay babalik din.
Sa naging panayam ng iFM News Dagupan kay Cenpelco General Manager Rodrigo Corpuz, dahil mataas na temperatura ay tumaas din ang konsumo ng mga Pilipino sa kuryente.
Dahil dito ay awtomatikong nago-off ang circuit breaker kapag hindi na kaya ng suplay ang demand nito at ibabalik din naman kapag umayos na ang suplay nito.
Aminado naman itong mas madalas ngayon ang nagaganap ng patay sindi dahil sa matinding init ng panahon na nararanasan.
Humihingi naman ng pang unawa ang pamunuan ng CENPELCO sa mga konsyumers lalo na at sa mga tao sa grounds nagagalit ang taong bayan kapag nagkakaproblema. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨