
Cauayan City – Umani ng matinding reaksyon sa France ang pagkamatay ng 23-anyos na estudyanteng si Quentin Deranque matapos siyang bugbugin sa Lyon.
Dalawang araw matapos ang insidente, pumanaw ang biktima dahil sa matinding pinsala sa ulo at utak.
Kinumpirma ni prosecutor Thierry Dran na isinailalim na sa imbestigasyon bilang kasong pagpatay ang nangyari.
Ayon sa mga awtoridad, sinipa at sinuntok si Deranque ng hindi bababa sa anim na katao kasunod ng komprontasyon ng dalawang grupo.
Bago mangyari ang insidente, sumuporta si Deranque sa kilos-protesta ng hard-right feminist collective na Némésis laban sa pagbisita ng isang makakaliwang politiko sa lungsod.
Itinuro ng mga opisyal ng administrasyon ni Pangulong Emmanuel Macron ang mga militanteng “far-left” bilang responsable sa krimen.
Sinabi ni Interior Minister Laurent Nuñez na malinaw umanong gawa ito ng kaliwang grupo at inilarawan ang pangyayari bilang “mob killing.”
Samantala, iginiit ni Jean-Luc Mélenchon na walang kinalaman ang kanyang partido sa insidente at tinawag na paninirang-puri ang mga akusasyon.
Nagpahayag din siya ng pakikiramay sa pamilya ng biktima at muling binigyang-diin ang pagtutol sa anumang uri ng karahasan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










