Dahil sa sunod-sunod na kanselasyon ng klase sa mga paaralan sa Pangasinan dahil sa bagyo, pinangangambahan ngayon ng ilang guro ang pagkawala ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa isang guro sa lalawigan, sayang umano ang oras sana na inilaan ng mga bata sa paaralan dahil mas epektibo pa rin ito kaysa sa modular learning.
Ngunit gayunpaman naiintindihan nilang mas importante ang kaligtasan ng bawat isa sa panahon ng sakuna.
Sa DepEd Memorandum No. 37, s. 2022 awtomatikong nakakansela ang klase ng kinder hanggang senior high school kapag isinailalim na ang lugar sa signal number 1.
Ayon sa kagawaran ng Edukasyon, ilalabas ngayong buwan ang bago nitong programa na Dynamic Learning Program o DLP na magbibigay sa mga paaralan ng flexibility upang makapagsagawa ng make up classes upang maiwasan ang pagkawala ng pagkatuto ng mga mag-aaral. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨