𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗙𝗔𝗡𝗧𝗔, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗣𝗔𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗛𝗢𝗟𝗬 𝗪𝗘𝗘𝗞

Nagsagawa ng isang malawakang Clean-Up Drive Activity sa bahagi ng Balaki Island ang mga kawani ng Tourism Office ng Infanta bilang bahagi ng kanilang preparasyon sa nalalapit na Semana Santa.

Ang Balaki island kasi ay isa sa mga dinadayong destinasyon ng mga turista tuwing may selebrasyon at holiday tulad ng Semana Santa kaya’t sinisiguro ng lokal na gobyerno na malinis at maayos na dadatnan ng mga turista ang naturang destinasyon.

Ang naturang clean-up drive rin ay naglalayon na maiangat ang kamalayan ukol sa environment and waste management sa pamamagitan ng tamang pag-preserve at pag-aalaga rito lalo na sa mga islang may living species na dapat lamang siguruhing ligtas bilang isa rin ito sa dahilan ng pagdayo ng mga turista.

Samantala, katuwang rin ng tourism office sa paglilinis ng naturang isla ang mga kawani mula sa PNP, PNP Maritime, Phil. Coast Guard, BFP, Municipal Agriculture Office, SB at Bantay Dagat. | 𝙞𝙛𝙢 𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments