𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗜𝗚𝗜𝗧𝗔𝗟𝗜𝗭𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗨𝗥𝗢

Nanawagan ngayon ang Teachers Dignity Coalition na bigyan ng pansin ang pagpapabilis sa digitalization ng mga paaralan bilang pagtitiyak na mayroong sapat na learning materials.

Sa panayam ng IFM Dagupan sa grupong Teachers Dignity Coalition, isa ang mga pasilidad at kagamitan sa loob ng mga paaralan ang nais ng mga guro na matugunan lalo sa mga pampublikong paaralan.

Magsisilbing bagong reporma sa edukasyon ang digitalization sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga computers, smart televisions, essential programs, digital books, at magandang access sa internet ng mga paaralan sa basic education.

Ayon din kay Pangulong BBM, ang digitalization at solar-powered electricity ay dapat na maging isang standard features sa lahat ng mga paaralan.

Malaki ang maiaambag umano nito sa paglilinang sa mga kabataang mag-aaral pagdating sa iba’t-ibang kaalaman tulad ng critical thinking at reading comprehension.|𝙄𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments