Kabilang sa tinututukan ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang pagkakaroon at pagbibigay ng kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga Pangasinense.
Alinsunod dito, target ang pagpapabuti partikular na ang labing-apat na mga pampublikong ospital sa lalawigan na takbuhan ng indigent na mga residente.
Kaugnay nito, nauna nang naipamahagi ang mga makabagong kagamitan na kinakailangan sa mga public hospitals tulad na lamang ng X-Ray machines, ultrasounds at iba pa.
Ipapatayo at isinasaayos na rin ang ilang pampublikong ospital partikular na ang Umingan Community Hospital sa Umingan, at bagong gusali sa Lingayen District Hospital.
Samantala, ilan pang health programs ang patuloy na inilunsad upang mabenipisyuhan lalo na ang kapos palad na mga Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨