𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗖𝗬𝗕𝗘𝗥𝗦𝗘𝗖𝗨𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗚𝗨𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗖𝗧 𝗥𝟭

Nito lamang ay nakapagsagawa ang tanggapan ng isang pagsasanay para sa mga LGUs kung saan pinapataas ang kakayahan pagdating sa cybersecurity sa kabila ng tumataas na bilang ng cyber threats.

Ayon sa DICT, makapagreport sila ng mataas na bilang ng cyberattacks sa bansa noong 2023 kung saan hawak ng Cybersecurity Bureau-National Computer Emergency Response Team (NCERT) ang nasa 1,834 na insidente.

Mula Enero hanggang Marso naman ngayong taon ay nakapag-report ang tanggapan ng nasa 281 na insidente ng hacking mula sa tuloy-tuloy na pag-monitor sa mga cyber threats.

Samantala, nakibahagi naman sa pagsasanay ang mga representatives mula sa iba’t-ibang LGUs, academe, at mga pribadong IT practitioners para sa foundational skills in digital forensics, kasama na rito ang identification, preservation, analysis, at presentation ng digital evidence. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments