π—£π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—Ÿπ—”π—žπ—”π—¦ π—‘π—š π—žπ—’π— π—˜π—₯π—¦π—¬π—”π—Ÿπ—œπ—¦π—”π—¦π—¬π—’π—‘ 𝗔𝗧 π—£π—”π—šπ—šπ—”π— π—œπ—§ π—‘π—š π— π—šπ—” π—§π—˜π—žπ—‘π—’π—Ÿπ—’π—›π—œπ—¬π—” 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗨𝗣𝗒π—₯𝗧𝗔𝗛𝗔𝗑 π—”π—‘π—š π— π—¦π— π—˜π—¦ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔

Dahil sa layuning suportahan ng pamahalaan ang mga kabilang sa Micro, Small, Medium Enterprises sa lalawigan ng Pangasinan binisita ang mga ito ng mga kawani ng ahensiyang DOST para sa kasalukuyang estado ng mga ito.

Partikular na binisita ng Department of Science and Technology Region 1 (DOST 1) katuwang ang Provincial Science and Technology Office (PSTO) – Pangasinan ang apat MSMEs na Gandang Ani Enterprises, isang rice and corn trader sa Binalonan; TEES Digital Arts and Prints, isang souvenir item at signage maker sa Laoac; R&E Poultry Farm, isang poultry farm sa Laoac; at Cacao Growers and Marketing Cooperative, isang chocolate producer sa bayan ng Pozzorubio.

Kabilang ang mga MSMEs na ito sa Small Enterprises Technology Upgrading Program (SETUP) cooperators kung saan sila ay sinusuportahan ng ahensya sa kanilang mga napiling negosyo.

Matatandaang binigyan ang mga cooperators na ito ng tulong para sila ay makapag-umpisa sa kanilang mga negosyo katuwang ang DOST sa papamagitan ng mga makabagong kagamitang makinarya.

Ito ang pangako ng ahensya na magtutuloy-tuloy silang susuportahan para mas mapalakas ang komersyalisasyon sa lalawigan ng Pangasinan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments