𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗢𝗬𝗦𝗧𝗘𝗥 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗡𝗚 𝗗𝗔-𝗕𝗙𝗔𝗥

Target ng Department of Agriculture (DA)-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagpapalakas pa ng oyster production sa lalawigan ng Pangasinan.

Kasunod nito ang pakikilahok ng napiling Samahang Magsasaka at Mangingisda ng Baley-Adaan (SMMB) sa proyektong ‘Strengthening Oyster Aquaculture in Anda, Bani, Bolinao, Alaminos City, and Sual (ABBAS) Municipalities of Pangasinan through the Bamboo Raft Technology”.

Napamahagian ng dalawampung (20) units ang grupo ng floating bamboo rafts at inaasahang malaking tulong ang kikitain ng mga ito pagdating ng cropping season.

Samantala, katuwang ng DA-BFAR sa pagsasakatuparan nito ang National Fisheries Development Center (NFDC) and the DA-National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI) at DA-Bureau of Agricultural Research (BAR). |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments