Naging matumal ang kita ng mga sepulturero sa Calasiao Public Cemetery dahil kakaunti lamang umano ang nagpapalinis at nagpapa pintura ng mga nitso ngayong taon.
Ayon sa isang pintor na nakapanayam ng IFM News Dagupan, bunsod umano ng panahon kaya’t may ilan umanong nag-aalangan na magpalinis.
Aniya pa, mas malakas ang kanilang kita noong mga nakaraang taon.
Dahil dito, ipagpapatuloy pa rin nila umano ang pakikipagsapalaran sa iba pang pamamaraan ng diskarte sa buhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments