𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗢𝗬𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗥𝗔𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡

Kaliwa’t-kanan ang isinasagawang jobs fair ngayon sa lalawigan ng Pangasinan bilang pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagbubukas ng mga oportunidad at trabaho para sa mga Pangasinense.

Sa datos mula sa Provincial Governor’s Office, nakaraang taon nakapagsagawa ng labing-isang jobs fair at animnapu’t-pitong career seminars.

Nasa 95.5% din ang employment rate ng lalawigan nito lamang nakaraang taon.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang Pangasinan Public Employment Service Office (PESO) upang mas mapalakas pa ang target ng kasalukuyang administrasyon na mas mapataas ang employment rate sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments