Pinaigting ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad sa natagpuang sako ng hinihinalang shabu sa karagatang sakop ng Pangasinan.
Isinagawa ang isang joint seaborne patrol sa karagatang sakop ng western Pangasinan matapos ang serye ng pagkakadiskubre ng mga shabu na palutang lutang dito.
Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency Pangasinan ang pagpapatrolya kasama ang PDEA Region 1, Philippine Coast Guard at Agno Police Station.
Maalala na isang pack ng shabu ang nakita ng mangingisda na palutang lutang sa karagatang bahagi ng Bani noong ika -6 mg Hulyo na nagkakahalaga ng mahigit anim milyong piso.
Nasundan naman ito noong ika-8 ng Hulyo kung saan isa sako ng hinihinalang shabu ang napadpad sa bahagi ng barangay gayusan Agno, Pangasinan.
Ayon sa PDEA Pangasinan, layunin ng nasabing pagpapatrolya na maggalugad ang karagatang sakop ng Western Pangasinan upang tignan kung may mga natitira pang shabu na palutang lutang.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga ito na makipag ugnayan sa mga mangingisda na katuwang sa paglaban sa illegal drugs.
Samantala, nanawagan ang PDEA Pangasinan sa mga residente ng coastal areas na kung may matagpuan na hinihinalang shabu ay agad ipagbigay alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨