𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗧𝗖𝗛 𝗨𝗣 𝗙𝗥𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗟𝗜𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗢𝗙 𝗖𝗢𝗡𝗖𝗘𝗥𝗡𝗘𝗗 𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗥𝗦

Hindi napaghandaan ang implementasyon ng Catch Up Friday ng hanay ng Department of Education o DepEd.

Ito ang tahasang sinabi ni Alliance of Concerned Teachers o ACT Partylist Representative France Castro sa naging panayam ng ifm Dagupan.

Ayon sa opisyal, sinabi nito na noon pa may ay sinabihan na nito ang DepEd na ayusin ang implementation ng Catch Up Fridays.

Hindi dapat, aniya, lahat ay maapektuhan ng nasabing program Lalo na at may mga guro lang na concern kaugnay dito.

Sinang-ayunan naman nito ang suhestiyon ng ilang mga guro na sana ay magkaroon na lamang ng diagnostic tests o kaya naman ay alamin kung sino lamang ang hindi kaya o hirap magbasa na siyang kailangang tutukan.

Nagdudulot aniya ito ng pagliban o pag-absent ng ibang mga estudyante kapag biyernes dahil sa tinatamad ang ibang mga estudyante sa polisiya ng Catch Up Friday lalo na ng mga marunong nang magbasa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments