𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗡𝗨𝗔𝗟 𝗕𝗨𝗗𝗚𝗘𝗧 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗦𝗘𝗦𝗢

Iginiit ni Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez na dumaan sa tamang proseso ang Pag apruba sa supplemental at annual budget ng lungsod.

Ang annual budget ng lungsod ay umaabot sa 1. 6 bilyon at ang supplemental naman ay nasa 557, 276,830.

Ayon sa inilabas na pahayag ng alkalde, sinasabi umano ng kampo ng dating mayorya ng Sangguniang Panlungsod na illegal ang ginawang pagpasa sa budget dahil hindi umano sapat ang boto ng bagong mayorya.

Sumulat naman si Vice Mayor Brian Kua sa tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region 1 para sa payo at legal opinion upang magkaroon ng matibay na pundasyon ang ginawang proseso sa pagpasa ng mga tinukoy na budget.

Sinabi ni Fernandez, legal at walang nakikitang problema sa pagpasa nito matapos sang ayunan ng legal na opinyon ng DILG.

Matatandaan na inilabas ng kampo ng alkalde ang paglalaan ng naturang budget para sa iba’t ibang proyekto kasama na ang konstruksyon at rehabilitation ng mga kakalsadahan at marami pang iba. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments