𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗘𝗞𝗟𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗔𝗦𝗔

Idineklara na ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang umpisa ng panahon ng tag-ulan ngayong araw ng Miyerkules, May 29, 2024.

Sa datos ng weather bureau, ang mga pag-uulan sa mga nakalipas na araw, localized at frequent thunderstorms maging ang Typhoon Aghon at Southwest Monsoon o Habagat ay mga naging salik sa pagdeklara ng panahon ng tag-ulan.

Kasalukuyang nakararanas naman ngayong hapon ang iba’t-ibang bahagi ng Pangasinan ng mga kalat kalat na pag-ulan.

Samantala, patuloy na nakatutok ang PAG ASA sa weather at climate situation ng bansa, at pinaalalahanan ang publiko kaugnay na nararapat na hakbangin bilang paghahanda sa tag-ulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments