𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝟬𝟬 𝗠𝗔𝗡𝗛𝗢𝗟𝗘𝗦 𝗔𝗧 𝗗𝗥𝗔𝗜𝗡𝗔𝗚𝗘 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬

Nagpapatuloy ang isinasagawang pagsasaayos ng Department of Public Works and Highways 2nd Engineering District sa mga drainage system at manholes sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa pamunuan ng tanggapan, target na matapos ang pagkukumpuni sa loob ng dalawang buwan bilang paghahanda sa tag-ulan.

Dagdag pa ng ahensya, natapos na umanong naisasaayos ang mga manholes sa central business district ng lungsod. Sapat din umano ang inilalagay na signages sa mga ginagawa pang manhole.

Panawagan ng tanggapan sa publiko na huwag nakawin ang mga inilalagay na manhole dahil maaari itong maging sanhi ng aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments