Tinututukan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang pagsasaayos ng mga pangunahing kakalsadahan sa bayan maging ang paglinis sa mga drainage systems.
Hiniling ng alkalde ang tulong na magmumula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pangunguna ni Gov. Ramon Guico III sa pagsasakatuparan ng naturang mungkahi.
Alinsunod dito, personal na tinungo ng Provincial Engineering Office ang tanggapan ng alkalde upang talakayin ang mga hakbangin at mga kaalamang nakapaloob ukol dito.
Isa ito sa paghahanda ng LGU Mangaldan laban sa posibleng mga pagbaha lalo na at opisyal nang idineklara ang panahon ng tag-ulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments