Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Ilocos Sur Second District Engineering Office ang rehabilitation ng Manila North Road sa Tagudin, sa lalawigan.
Layon nitong matiyak ang kaligtasan sa kahabaan ng nasabing kakalsadahan, maging ang salik sa pagpapalakas pa sa turismo ng probinsya.
Inaasahang sa pagtatapos nito ay mas maayos at ligtas ang byahe ng mga pasahero kasabay ng potensyal na lugar upang pasyalan sa bahagi ng nasabing lugar.
Naisakatuparan ang naturang proyekto mula sa pondo sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) of 2024 na nagkakahalaga ng nasa P14,699,999.79. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments