
CAUAYAN CITY – Hinihikayat ng Office of Civil Defense (OCD) Region 02 ang lahat ng LGU sa rehiyon na magsagawa ng earthquake drill sa gabi.
โAyon kay OCD Regional Director Leon Rafael, bagama’t may isinasagawang quarterly na earthquake drill, mahalaga rin na gawin ang hakbang sa gabi dahil maaaring tumama ang lindol anumang oras.
โSa ganitong paraan, mas magiging handa at maalam ang komunidad sa mga ganitong sakuna.
โTinututukan rin ng ahensya ang pagpapalakas ng paghahanda sa banta ng lindol at tsunami.
โIbinahagi rin nila na nakikipag-ugnayan sila sa PHIVOLCS at iba pang ahensya upang makagawa ng tsunami simulation, matukoy ang mga apektadong lugar, at magplano ng ligtas na evacuation centers.
Facebook Comments









